LITERARY | "Pureza Street" Tagpuan ng Tunay na Pag-ibig Sarah Mae MatadosFeb 14, 20241 min read Mga pahinang napag-iwanan ng panahon,Tintang nalunod sa luha’y muling nakaahon.Handa na nga ba akong magbukas ng bagong paksa?Gamitin ang panulat at buhayin itong tula.Sa bawat pagtakbo ng orasan,Hinihiling na sakit ng nakaraan ay lumisan.Ako’y palayain sa kadenang gumagapos sa aking paa,Nang makalad patungo sa’yo, sinta.Mahihintay mo ba ako sa ating tagpuan?Matatanggap mo ba kung ako’y magkukulang?Sarili ay napagod, naubos ng kahapon.Patawad kung ako’y naagos ng maling alon.Naririto na ako, handa na.Ngunit maari bang ako muna’y magpahinga?Balikan ang mali, at araling ‘di na mauulit pa,Sapagkat nais kong maging patas at tama.Tinatahak ang malayo at mataong daan,Papunta sa pangarap, ang dapat kalalagyan.Nagutom-kumain, napagod-nagpahinga.Sarili’y tinanggap at pinuno ng pagmamahal at kalinga.Nakita niya ako, ang malaking pagkatuto.Ginantimpalaan sa naganap na pagbabago.Ilang beses ko rin itong hiniling sa taas,Na sana kapag muling handa na, sana ay tama na.Bagong pahina ang nabuo,Sa aklat ng pag-ibig na totoo.Ganon na lamang ang karipas ng aking pagtakbo,Matapos ang klase papunta sa pahinga ko.Malayo pa ngunit tanaw ko na.Ang taong may palumpon ng bulaklak, aking sinta.Labing ‘di matigil sa pagkurba matapos sabihan ng marikit.Hawak kamay na nakatayo sa Pureza Street.
Comments