top of page

LITERARY | “I Am Lost”

  • Sarah Mae Matados
  • Mar 23, 2024
  • 2 min read

"Saan ako kukuha ng kapit at lakas sa gitna ng digmaan na hindi ko alam bakit ako lumalaban. Nais ko lamang maging masaya tulad ng iba na pumapasok nang masaya at may mga kaibigan. Mga ala-ala na gusto kong buuin at karanasan na babaunin sa labas pagtapos ng eskwelahan." 

 

“Congratulations! We are so proud of you, anak. Alam namin na kaya mo.” 
“Dapat ganyan lagi ah!” 
“Galing mo talaga ‘teh! Kaya sayo ako eh!” 
“As expected! Ikaw pa ba?” 

 

Napabalikwas ako nang marinig ang tunog ng aking alarm clock. Dahan-dahan kong inunat ang aking katawan bago muling magsimula sa laban na aking kinakaharap. Hindi pa rin ako tapos sa pinapagawang gawain at kung mas lalo pa akong magtatagal ay hindi malabong magtatambak dahil may panibagong gawain na naman ang ipapagawa sa amin.  

 

Oras ay tumatakbo ngunit isip ko’y nagugulo. May natapos naman na ako at ibang subject ay nasimulan na ngunit malayo pa… 

 

‘Kaya ko pa kaya? At kung pillin ko man na tumigil ay hindi maaari dahil maraming naniniwala.” 

 

Ipinusod ko ang mga natirang buhok sa aking balikat bago pa ito tuluyang malagas. Tahimik na inunawa ang bawat pahina, walang salita ang makakatakas sa malalim kong mga mata. Dilim sa labas ay nagkakulay, tilaok ng mga manok ay nagkanya-kanyang ingay. 

 

‘Umaga na, panibagong hamon muli.’ 

 

Tinahak ang magulo at maingay na kalsada ng Maynila, marating lamang kita sinta. Pawisan man o hinihila pa ng higaan, kailangan ko itong labanan. Kailangan ko maging aktibo sa lahat ng klase, at ituloy ang mataas na marka na aking sinimulan. 

 

Ngunit totoo nga na ang buhay ay tila isang gulong. Minsan ay nasa itaas ngunit darating din na madadama mo ang baba. Dumadami ang mga pagsusulit na hindi ko na maipasa, mga diskusyon na hindi ko na masundan. Mga aral na dapat ay alam ko ngunit nanatiling blangko ang lahat sa isip. 

 

Binalot ng dismaya, ngiti sa labi ay hindi ko na maikurba. Luha na aking pinipigilan ay gusto nang kumawala, ang pag-ulan ng lungkot at pagdududa. 

 

‘Hindi na ako yung tulad ng dati’ 

 

Paano ko ipapaliwanag sa lahat na hindi na ako yung dating kilala nila? Yung magaling sa academics at malakas ang loob na ituloy ang kursong ito.  

 

Paano ko ipapaliwanag sa lahat na nagbago na yung gusto ko? 

 

Na hindi na ako masaya? 

 

Magiging makasarili ba ako kung pipiliin ko rin ang gusto ko?  

 

Gusto ko nang magpahinga, kahit saglit maaari bang lahat ay itigil muna? Ngunit paano kung sila’y aking mabigo? 

 

‘Eto na lang ako ngayon.’ 

 

Saan ako kukuha ng kapit at lakas sa gitna ng digmaan na hindi ko alam bakit ako lumalaban. Nais ko lamang maging masaya tulad ng iba na pumapasok nang masaya at may mga kaibigan. Mga ala-ala na gusto kong buuin at karanasan na babaunin sa labas pagtapos ng eskwelahan. 

 

‘Nais kong bumuo ng sariling akin.’ 

 

……………. 

 

 

“Cheers!” 

 

It was my last shot before I left the party and drove myself safely back home. I just did my skin-night routine and rested myself in bed. I was about to close my eyes when an email suddenly appeared on my phone. I read the email, and it was an invitation to a class reunion. It is such bliss knowing that they emailed me, but who am I going to talk to? Someone I can share memories with? 

 

'No one.' 

 

During my darkest times, I told myself I'm going to be brave enough to tell everyone that I want change, but it turns out I didn't say a word. 

 

'I endured everything.' 

 

I finished the course I was told to and graduated with flying colors, just like they expected. I worked hard until now and live my life abroad, so they will achieve the dream they made for me. And it is a success! I’m so glad… 

 

'Yet, something is missing.' 

 

I live the life that everyone expects, and I lose sight of who and what I want. And now that everything I accomplished... 

 

'I am lost.' 

Comments


JFINEXPUP ALTLOGO WHITE.png

© 2021 by JFINEX-PUP The Luminary Proudly created with Wix.com

  • The Luminary Facebook Page
bottom of page