top of page

OPINION| Diborsyo: Ipasa na

  • John Lawrence Beniza
  • Jun 27, 2022
  • 4 min read

Matapos ang lagpas isang dekada ng pagsusulong ng diborsyo sa kogreso noong 2005 sa 13th Congress ay naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong Marso 19, 2018 ang House Bill No. 7303 o “An Act Instituting Absolute Divorce and Dissolution of Marriage in the Philippines.” Ngunit malayo pa tatahakin ng bill na ito upang maisabatas




Kamakailan naging usap-usapan sa social media ang “divorce” o diborsyo dahil sa naglipanang pagtataksil o pangangaliwa at paghihiwalay ng mga kilalang personalidad sa Pilipinas. Sabi nga ng mga netizens tila naging “trending” o uso na ang pangangaliwa ngayon. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang Pilipinas na lamang ang natatanging bansa bukod sa Vatican City na walang diborsyo sa buong mundo.


Matapos ang lagpas isang dekada ng pagsusulong ng diborsyo sa kogreso noong 2005 sa 13th Congress ay naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong Marso 19, 2018 ang House Bill No. 7303 o “An Act Instituting Absolute Divorce and Dissolution of Marriage in the Philippines.” Ngunit malayo pa tatahakin ng bill na ito upang maisabatas.


Ang Pilipinas ay isang konserbatibong bansa na kung saan walo sa sampung Pilipino ang katoliko kung kaya’t malalim ang impluwensiya ng simbahan sa isyung politikal at sosyal ng bansa. Mahigpit na tinutulunan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang protektahan ang kasagraduhan ng kasal. “Why then would one want a divorce if legal separation, annulment, and declaration of nullity are juridicalm options are available?” opinyon ni CBCP President Socrates Villages sa isang kolum ng pahayagan noong Marso 27, 2015.


Ang diborsyo ay ang pagsasawalang-bisa ng kasal ng isang mag-asawa. Ito ay hindi pa naisasabatas at kung nais ng isang mag-asawa na maghiwalay mayroon ang pilipinas na tinatawag na “annulment.” Ang kaibahan nito sa diborsyo ay ang annulment ay hindi na kinikilala ang kasal dahil simula pa lamang ay hindi na ito wasto o tama. May anim na legal grounds upang ma-annul ang kasal ayon sa Artikulo 45 ng Family Code of the Philippines; (1) lack of parental consent, (2) psychological incapacity, (3) fraud, (4) consent for marriage obtained by force, intimidation, or undue influence, (6) physically incapable of consummating the marriage at (7) sexually transmitted disease. Wala sa nabanggit ang infidelity o pangangaliwa at pang-aabuso na maaring gamitin ng mag-asawa upang mag-file ng annulment.


Para isang bansa na may 23.7% na sa poverty incidence ayon sa datos ng Philippines Statistics Authority, mahal ang proseso ng annulment sa Pilipinas. Dahil rito, ang mga may kakayanan lamang sa buhay ang sumasailalim sa annulment. Ayon kay Atty. Lorna Kapunan sa isang interbyu ng DZMM, isang family lawyer, kahit na walang bayad ang church annulment, ang mag-asawa ay kailangan pa ding maglaan ng malaking halaga para sa civil annulment. Bukod sa abogado, kinakailangan pa ng konklusyon mula sa mga eksperto tulad ng psychologists na may medical license. Ang mga psychiatrists o psychologists ay maaring maningil ng 100,000 hanggang 150,000 piso.


Mahabang proseso ang annulment, bagaman may kakayanan ang iba mahirap pa rin patunanayan ang psychological incapacity ng isang tao. "And it has to be grievous. Hindi lang incompatibility, it has to be grievous, meaning it has antecedent. Nakikita mo sa pamilya 'no. Ang incurable. Tatlong requirements 'yan na napakahirap i-prove, pinapalaki 'yung kasalanan ng bawat spouses para mag-appear na grievous,” ayon muli kay Atty. Lorna Kapunan. Napapatagal din ng proseso ang kakulangan ng family court sa bansa.


"Ang annulment proceedings, even if there is no husband or wife na opposition, you will always have opposition in terms of the state. The state has interest in preserving the marriage. Nasa constitution 'yan eh, preserving the solidarity of the marriage," dagdag ni Atty. Kapunan. Hindi tulad ng diborsyo, na hindi kinakailangan na may pagkukulang ang isang panig. Sinisuguro ng korte na walang sabwatan sapagitan ng mag-asawa sa ilalim ng annulment. Higit na mas mapayapa ang diborsyo kaysa annulment.


Ang Seksyon 2 ng pinapanukalang Divorce Bill ay naglalayong itigil na ang hindi na maayos na pagsasama ng dalawang tao upang maisalba ang mga bata sa sakit, stress at pagdurusa dahil sa patuloy na di pagkakasundo ng kanilang mga magulang. Ayon kina Christopher Maxwell at Sheila Royo Maxwell, ang mga kabataang Pilipino na nakakakita at nakakranas ng pang-aabuso sa kanilang pamilya ay malaki ang tsansa ng “adolescent aggression.”


Ang Divorce Bill ay isang pro-women legislation ayon sa Seksyon 3 nito. Dahil karamihan ng kaso, upang bigyan ng kalayaan ang mga kababaihan mula sa mapang-abusing relasyon at mapanatili ang kanilang dignidad at kompyansa sa sarili.


Hindi naman masasama ang layunin ng annulment, parehas din nitong ipinaglalaban ang karapatan ng bawat mag-asawa na tumungo ng magkahiwalay na landas. Ngunit, ang panghihimasok ng relihiyon at paniniwala sa estado bilang basehan upang tanggalan ng opsyon ang ibang tao ay mali. Dapat pakatandaan na ayon sa konstitusyon na hiwalay ang simbahan sa estado. Hindi lamang Kristiyanismo ang relihiyon na mayroon sa bansa kaya’t hindi dapat gawing basehan ang iisang relihiyon. Ang pagbibigay ng karapatan para sa iilan ay hindi pagtatanggal ng karapatan ng nakakarami. Ang pagbibigay tinig sa kanila ay napapatunay lamang na lahat ng Pilipino ay napapakinggan. Sana ay isantabi ng nakakarami ang kanilang paniniwala at maging bukas sa diskusyon.


Ang kasal ay hindi isang one-way trip na kapag pumasok ka ay bawal ka na bumalik. Ang kasal ay isang paglalakbay o journey na walang kasiguraduhan tulad sa buhay. Wala namang makakapagsabi kung ano bukas na nag-iintay sa mag-aasawa. May mga daang malubak at may patag, may pagkakataong matitisod at madadapa ka, dahil sa may katuwang ka sa buhay madali kang makakabangon. Subalit, kailangan mo ding isipin kung ano o sino ang dahilan ng pagbagsak mo. Kung ang dahilan ay ang kasama mo, mas mainam na bitawan mo na ang kamay niya dahil siya at siya rin ang hihila sayo pababa sa kumunoy ng pisikal, mental at emosyonal na mapang-abusong relasyon.








Mga Sanggunian:










photo from: philstar.com






Comments


JFINEXPUP ALTLOGO WHITE.png

© 2021 by JFINEX-PUP The Luminary Proudly created with Wix.com

  • The Luminary Facebook Page
bottom of page